-- Advertisements --

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang papatawan ng mabigat na kaparusahan ang mga jeepney operators na sasama sa ipapatupad na tigil pasada.

Kasunod ito sa makailang beses na apila ng ahensiya sa Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) na huwag ng ituloy ang kanilang tigil-pasada ngayong araw Hulyo 15.

Paglilinaw naman ni ACTO President Efren de Luna na hindi transport strike ang kanilang gagawin at sa halip ay isang protesta lamang na sila ay mag-mamartsa mula Quezon Memorial Circle papunta sa LTFRB Office.

Kinokontra kasi ng grupo ang balak na pagtanggal ng mga jeepney na mahigit 15 taon na at ang jeepney modernization program ng gobyerno.