Magpapakalat ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga “Libreng Sakay” na mga sasakyan mula Setyembre 23 hanggang 24.
Ito ay dahil sa magsasagawa ng dalawang araw na tigil-pasada ang mga transport group na Manibela at PISTON.
Ayon kay LTFRB chairperson Atty. Teofilo Guadiz III na handa silang umalalay sa mga pasaherong maapektuhan ng nasabing tigil pasada.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga iba’t-ibang ahensiya ukol sa nasabing “Libreng Sakay”.
Iginiit nito na kanilang nirerespeto ang karapatan ng mga drivers at operators ng freedom of expressions dahil ito ay napapaloob sa konstitusyon.
Hinikayat nito ang mga drivers na magsasagawa ng tigil pasada na iwasan na maging sanhi ng trapiko.
Magugunitang ikinasaw muli ng mga transport group ang tigil pasada bilang pagkontra sa ipinapatupad na Transport modernization program ng gobyerno.
Hiling din nila ang pagbabalik ng limang taon na prankisa para sila ay makapagpasada.