-- Advertisements --

Nakapagbigay na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng nasa 753 na special permits sa mga buses dahil sa inaasahang pagdagsa mga pasahero sa panahon ng Undas.

Sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na maaaring madagdagan pa ang bilang sa susunod na mga linggo.

Ang nasabing special permits ay nagbibigay ng karapatan sa mga buses na bumiyahe sa ibang ruta at ito ay hanggang sa Nobyembre 10.

Mas pinaigting na rin nila ang paghahanda sa Undas gaya ng pagsasagawa ng inspeksyon sa mga bus terminals sa buong bansa.