Itinuturing pa rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi nagtagumpay ang mga transport group sa ginawa nilang dalawang araw na tigil-pasada.
Sinabini LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III, na mayroong maliit lamang na bilang ng mga commuters ang naapektuhan sa isinagawang tigil pasada ng grupong PISTON at MANIBELA.
Giit nito na ang ipinapakitang paghihintay ng mga pasahero ng kanilang mga masasakyan ay regular na nakikita tuwing araw ng pasukan.
Dagdag pa niya na napaghandaan ng gobyerno ang nasabing dalawang araw na tigil pasada mula Setyembre 23 hanggang 24.
Pinasalamatan din n Guadiz si Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa pagsuporta ng Transport Modernization Program.
Patuloy din ang panawagan niya sa mga transport group ng pakikipag-usap para magkaroon ng paglilinaw sa mga isinusulong nila.