-- Advertisements --

Nagdagdag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 440 provincial buses na dumadaan sa limang ruta.

Magsisimula ngayong Disyembre 24 ay ipapatupad ang Memorandum Circular (MC) 2020-051G at MC 2020-051H na inilabas noong Disyembre 21.

Ang mga ruta ay yung kinabibilangan ng Baguio City – Mariveles, Bataan; Baguio City- Olangapo, Zambales; Northluzon Expressway (NLEX)- Laoag City, Ilocos Norte; North Luzon Expressway (NLEX)- Pagudpud, Ilocos, Norte.

Agad na magpapalabas ng quick response (QR) Code ang LTFRB sa mag operators ng provincial buses.

Ang nasabing mga QR code ay ilalagay sa loob ng mga buses.