-- Advertisements --

Nagdagdag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 5,000 na slots para sa ride-hailing services sa Metro Manila.

Ang nasabing hakbang ay dahil sa inaasahang pagtaas ng mga demand ngayong holiday season.

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, na ang nasabing bilang ay pantay na hinati sa mga iba’t-ibang Transport Network Vehicle Service (TNVS)na nag-ooperate sa National Capital Region.

Tatanggap din sila ng mga special permits para sa mga public utility vehicles gaya ng buses simula Disyembre 15.

Ang nasabing special permits ay magiging valido mula Disyembre 20, 2024 hanggang Enero 4, 2025.