-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Naglabas na ng order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan na magsuot ng face mask dahil sa 2019 novel coronavirus.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Daniel Gaffud, chairman ng Northern Luzon Transport Service Cooperative (NOLTRANSCO), sinabi niya na bilang tugon sa nasabing direktiba ng LTFRB ay nagsimula na silang magpagamit ng face mask sa kanilang mga tsuper.
Gayunman, ang problema ay wala na silang mabili matapos na magkaubusan ng panindang face mask sa mga pamilihan kaya kanya-kanyang diskarte na lamang ang kanilang mga tsuper para may maisuot na face mask.