Naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng preventive suspension laban sa operator ng isang bus na nasangkot sa isang aksidente noong Lunes ng gabi sa Guadalupe Station ng EDSA Busway.
Kung saan nagresulta ng mga pagkasugat sa 31 pasahero.
Sa isang pahayag kinumpirma ng LTFRB na ipinataw ang suspensyon sa Earthstar Express Inc. kasunod ng aksidente.
Naglabas din ng show cause order ang LTFRB, na nag-aatas sa kumpanya na ipaliwanag kung bakit hindi dapat i-revoked ang kanilang prangkisa.
Matatandaan, nawalan ng preno ang naturang bus at sumalpok ito sa isa pang bus habang naglo-load ng mga pasahero sa Guadalupe Station.
Tiniyak naman ng LTFRB na tinutulungan ang lahat ng mga gastos sa ospital nang naturang bus para sa mga pasaherong nadamay sa insidente.
Samantala, inutusan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga driver ng parehong bus na dumaan sa Intelligence and Investigation Division (IID) upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat sampahan ng kasong reckless driving at posibleng pagkansela ng kanilang lisensya.
Kung saan ipinag-utos ng ahensya na ipatigil ito ng 90 araw.
Bukod dito, inatasan din ang mga operator ng parehong bus na dumaan sa LTO-IID upang magpaliwanag kung bakit hindi dapat silang patawan ng administratibong kaso dahil sa pag-empleyo ng mga driver.