-- Advertisements --
LTFRB awaits Comelec reso on fuel subsidy exemption | Philippine News Agency

Ikinatuwa ng pamunuan ng Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na pagbibigay ng exemption para sa fuel subsidy program.

Kahapon ay maalalang nagbigay ng desisyon COMELEC ukol sa naturang programa, matapos itong hingin ng Transportation Board.

Sa isang pahayag, nagpasalamat ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III sa pag-unawa ng COMELEC sa kasalukuyang kalagayan ng mga tsuper at operator na nangangailangan ng tulong dahil sa naging epekto ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Dahil dito, siniguro ng opisyal na ipagpapatuloy ng LTFRB ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng fuel subsidy program ng ahensiya.

-- Advertisement --

Nagpasalamat din si Chairman Guadiz sa publiko, sa kanilang pang-unawa sa pansamantalang pagkaka-delay ng naturang programa, dahil na rin sa usapin sa spending ban para sa BSKE 2023.

Batay sa pinakahuling datos ng LTFRB, nai-credit na ang naturang subsidiya sa kabuuang 63,864 PUVs sa buong bansa.