Ikinatuwa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board(LTFRB) ang ipinakitang suporta ng mga operators at driver ng pampublikong mga sasakyan sa kampanya laban sa mga karahasan sa mga public transport sa bansa.
Una rito ay inilunsad ng LTFRB ang naturang kampanya, sa pagnanais na mabawasan ang mga karahasan sa public transportation.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, nagpakita ng pakikiisa ang mga operator sa hangaring ito ng ahensiya, alinsunod na rin sa Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act.
Marami aniya ang mga tsuper at operator na naghayag din ng kanilang pakikiisa sa naturang kampanya.
Pagtitiyak ni Guadiz III na patuloy ding gagawa ng mga hakbang ang ahensiya upang matugunan ang mga karahasan sa mga pampublikong transportasyon.
Kabilang sa mga nais matutukan ng LTFRB ay ang mga insidente ng sexual harassment, gender-based violence, at iba pang krimen na kalimitang kinasasangkutan ng mga commuters.