-- Advertisements --
image 15

Nagsagawa ng surprise inspection ang LTFRB na pinangunahan ni chief Jay Art Tugade doon sa PITX nitong araw lamang.

Sinuri ang mga gulong, ilaw maging ang mga dokumento ng mga sasakayan sa nasabing terminal kung saan ang mga nahuling hindi maayos ang ilan sa inispeksyon ay hindi pinayagang makapagbiyahe.

Paliwanag ng ilang mga driver, sa araw na ito lamang raw nagkaroon ng depekto sa kanilang mga ilaw dahil noong mga nakaraang araw ay maayos naman ang kanilang pagpapatakbo.

Nagkaroon rin ng random drug testing sa mga drivers, upang masiguro na sila ay handa sa pagmamaneho.

Samantala, nagsagawa rin inspeksyon ang NCRPO sa ilang mga terminal, nagpaalala pa si Chief Major General Edgar Ala Okubo sa mga babiyahe na dapat raw ay mayroong magchicheck ng kanilang mga naiwang pagmamay ari.