-- Advertisements --
Umaasa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maisulong ng mga mambabatas ang pagpondo para mapalawig ang public utility vehicle service contracting program.
Ito ay dahil sa magtatapos na ngayong Hunyo 30 ang libre sakay sa mga manggagawa kasabay ng pagpaso na rin ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra na may mga hakbang sa kongreso para pondohan ang programa sa pamamagitan ng paggamit ng pondo mula sa 2021 budget.
Sumangguni na rin ang LTFRB sa Department of Budget and Management (DBM) para sa pagpapatuloy ng nasabing programa.
Inaayos na rin aniya ng DBM ang nasabing pondo para sa pagpapalawig ng nasabing programa.