Tiniyak ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakahanda na sila para sa gagawing transport strike bukas, Lunes, January 7, 2017 sa kalakhang Maynila.
Ayon sa LTFRB na nasa 5,000 personnel mula sa ibat ibat ahensiya ang nakadeploy bukas para tiyakin na hindi maabala ang mga commuters ay hindi ma-istranded.
Magdedeploy ng mga pribadong bus, mga government vehicles at maging mga motorsiklo para pagsilbihan ang mga commuters
Pahayag ng LTFRB na humingi sila ng tulong sa PNP kung saan magdedeploy din ito ng sapat na mga tauhan.
Magsasagawa ng transport strike bukas ang mga transport groups na pangungunahan ng ‘Pisto’ at ‘Stop and Go’ bilang protesta sa hakbang ng pamahalaan na iphase out na nito ang mga jeepneys at papalitan ito ng environment-friendly vehicles.