-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mayroon ng P802.8 million ang naibigay nilang tulong sa mga public utility vehicles operators na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Sinabi ni LTFRB Chairperson Martin Delgra, na nasa 87.52 percent na sa kabuuang P1.158 billion sa inilaan na direct cash subsidy program na nasa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act of 2020.

Dagdag pa nito na tuloy-tuloy ang kanilang pagbibigay ng subsidiya sa mga PUV operators at hindi sila titigil hanggang mayroong pandemya sa bansa.

Bawat public buses, jeepneys at ibang utility vehicles ay makakatanggap ng P6,500 na tulong mula sa LTFRB.