Nanawagan ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na kailangan din ikonsidera ang mga commuters sa pagdedesisyon tungkol sa petisyon ng ilang transport group na taas pasahe na P15 sa mga pampasaherong jeep.
Sa isang pahayag, pinaalalahanan naman ni Sen. Win Gatchalian ang LTFRB na habang pinagiisiapn ang P15 fare increase na hiling ng mga jeepney drivers dahil sa patuloy na pagtaas ng world prices ng mga produktong krudo, kailangan din umano bigyang konsiderasyon ang mga commuters na gumagamit ng public transportation.
Maaaring ang increase kasi na ito sa pamasahe ay maaaring kabawasan din sa kita ng mga underprivileged na mamamayang pilipino at ng mga minimum wage earners na hidi sapat ang kita sa isang araw.
Nangako naman ang LTFRB na agad silang maglalabas ng resolusyon sa buwan ng Abril dahil sa ngayon ay patuloy na pinagaaralaan pa ito ng ahensya.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Gatchalian ang LTFRB na ang bawat piso ay mahalaga para sa mahihirap na sektor ng bansa at umaasa umano ang senador na isasaalang-alang mabuti ng LTFRB ang parehong panig bago maglabas ng pinal na desisyon.
Kung papayagan naman ng LTFRB ang petisyon ng mga transport groups, tataas ng P2 ang regular na pamasahe sa mga jeepney na kung ngayo’y nasa P13 ay maaaring maging P15 habang sa mga e-jeep naman mula sa P15 ay magiging P17 na ang regular na pasahe.