Nilinaw ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nananatiling mataas ang bilang ng mga PUV operator na nasa proseso na ng consilidation.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, mula sa bilang na 86%, mula rito ay 43% pa lamang ang kumpirmadong consolidated na habang patuloy naman na sumasailalim sa verification ang nalalabing 43% mula dito.
Paliwanag niya, ito ang dahilan bakit nasa 86% ang kanilang kabuuang bilang sa ngayon ay dahil sa dalawang antas na ito. Katumbas na rin ito ng halos 165,000 units na mayroon ng mga prangkisa.
Samantala, pagtitiyak naman ni Guadiz sa publiko, sinisikap at ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya para mapabilis ang pagproseso ng pag-consolidate sa mga natitira pang mga operators.