Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi nito maaaring diktahan ang tatak o modelo ng mga public utility jeepney (PUJ) units na kukunin ng mga operator.
Ito ay bilang pagsunod sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Aniya, ang magdedesisyon ay ang mga kooperatiba.
Maaring bumili ang mga jeepney cooperatives sa alinmang local o foreign manufacturers dahil hindi makikialam ang gobyerno sa prosesong ito.
Ang mga kooperatiba ng transportasyon ay maaari ding pumili mula sa mga manufacturers na inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) na sumusunod sa Philippine National Standard.
Sa kasalukuyan, mayroong 32 mga modelo ng modernong jeepney na naglalakbay sa buong bansa, na maaaring lokal na gawa o lokal na binuo.
Maraming operator at driver ang tumututol sa PUVMP dahil ang ilang unit ay maaaring nagkakahalaga ng hanggang P2.8 milyon bawat isa.
Una na rito, ang tradisyunal na jeepney unit ay nagkakahalaga lamang ng P200,000 hanggang P600,000 bawat isa.