Naglaan ng halos P5.58 billion na pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 upang magbigay ng tulong sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na nawalan ng kita dahil sa lockdown.
Sa pamamagitan ng Service Contract Agreements, babayaran ng gobyerno ang mga bus at jeepney drivers kasabay ng muli nilang pagbalik sa kalsada.
Kung maaalala, hindi na tulad ng nakagawian na punuan ng pasahero ay kalahati na lamang ang papayagang sumakay sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III, ang service contracting na ito ay isa sa kanilang mga hakbang para siguraduhin na patuloy ang serbisyo ng mga PUV sa mga commuters.
Sa ngayon ay kailangan na lamang nilang isapinal kung saan at papaano ibabase ang bayad na matatanggap ng mga PUV drivers.