-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga tsuper at operator ng mga public utility vehicle (PUV) ukol sa pagsunod ng tamang fare discount, sa gitna ng tuloy-tuloy na pagdagsa ng mga pasahero pauwi sa probinsya.

Pangunahin dito ang 20% na fare discount sa mga estudyante, senior citizen, at mga persons with disabilities (PWD).

Ayon sa LTFRB, ang mga ito ay eligible na makatanggap ng naturang discount sa lahat ng uri ng public transportation.

Ipinaalala rin ng LTFRB ang nilalaman ng Memorandum Circular 2025-010 kung saan nakasaad na ang diskwento ay sasagutin dapat ng mga operator at hindi ng mga drayber.

Pinapayuhan naman ang mga pasahero na mag-presenta ng mga valid identification tulad ng school ID para sa mga estudyante, senior citizen ID, PWD ID at iba pang government-issued ID para sa mga PWDs, para maka-avail ng mga diskwento.

Paalala ng LTFRB sa mga operators at driver, ang diskwento sa