-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng mabuti ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng ilang mga transport group na humihirit ng taas pasahe.

Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III na mayroong apat na petisyon ang inihain sa kanilang opisina.

Tatlo sa mga dito ay mula sa mga jeepney operators habang isa naman ay mula sa mga bus operators.

Nakasaad sa petisyon na humihirit ang mga ito na gawing P14.00 ang minimum na pasahe sa mga jeep habang P18.00 naman ang minimum na pamasahe sa mga bus.

Inamin ni Guadiz na matagal na ang nasabing petisyon kaya kanilang mabuting pinag-aaralang bago tuluyang maaprubahan.

Hiniling nito ang pag-aaral mula sa National Economic and Development Authority (NEDA) para sa malaman kung paano makakaapekto ang bagong taas pasahe sa inflation.