-- Advertisements --
Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbabalik ng mga pampaseherong jeep sa kalsada pagdating ng katapusan ng buwan.
Sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra, na mayroon ng nakita silang 100 hanggang 104 rationalized jeepney routes na bubuksan kapag tuluyan ng tinanggal ang quarantine.
Mula kasi noong Marso ay itinigil ang pagpasada ng mga pampasaherong sasakyan ng ipatupad ang lockdown sa malaking bahagi ng Luzon.
Tanging mga piling transport gaya ng P2P buses, Trains, ride-hailing service at bisikleta ang pinayagan ng ilagay sa General Community Quarantine ang maraming bahagi ng bansa.