Pumayag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang mga hiling ng tranport group na PISTON.
Umabot sa dalawang oras ang ginawang pulong nina PISTON president Mody Floranda at sina LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, LTFRB spokesperson Celine Pialago.
Matapos ang pulong ay binawasan ang ilang mga requirements sa consolidation.
Ilan sa mga napagkasunduan ay magkakaroon na lamang ng 10 miyembro ang minimum mula sa dating 15 ang tatanggapin para bumuo ng kooperatiba.
Papayagan na rin ang tatlong kooperatiba na babiyahe sa isang rota.
Tinanggal na rin ang mga multang inilaan at ang modernized jeeps ay hindi na mandatory basta maayos ang mga tradisyonal jeep at dumaan sa roadworthiness inspections ang mga ito.
Sinabi naman ng Floranda na kahit na nagkaroon ng kasunduan ay ipagpapatuloy pa rin nila ang ikalawang araw na tigil pasada ngayong Biyernes.