Inisyuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng show cause order ang ilang mga jeepney operators para magpaliwanag matapos na i-withdraw ang kanilang natanggap na fuel subsidy.
Ito ay matapos na aminin ni Pasang Masda president Roberto “Obet” Martin sa isinagawang pagdinig sa House Committee on transportation ngayong araw na ilang mga jeepney operators ang nagwithdraw ng pera na nakalaan dapat kapalit ng fuel mula sa accredited gas stations.
Sinabi ni Martin sa mga mambabatas na ang fuel subsidies na credited sa Landbank ATM cards ng mga Jeepney operators ay hindi dapat na i-withdraw o kuning cash dahil ang finacial aid na ito ay dapat na direktang gamitin lamang sa pagbili ng produktong petrolyo.
Umaasa naman si Samar 1st District Rep. Edgar Mary Sarmiento, chair ng panel na magkaroon ng magandang na sistema ang concerned agencies subalit kung sakali aniya na iconvert sa cash ang ang naturang fuel subsidy ay dapat na automatic suspension ang naturang card.
Sa kasalukuyanm patuloy ang pamamahagi ng LTFRB ng fuel subsidies na P6,500 sa mga operators ng PUVs kasabay ng patuloy na mataas na presyo ng langis at ng iba pang mga produkto.