-- Advertisements --

Mas pinahaba na ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ibibigay nilang special permits para sa mga public utility buses (PUB) na babiyahe ngayong panahon ng kapaskuhan.

Inaasahan kasi ng ahensiya na dadami ang bilang ng mga pasahero na uuwi sa kanilang probinsiya kaya tiyak na magkukulang ang mga bus.

Sa Board Resolution ng 101-2023 ng LTFRB na ang mga special permit ay magmumula na sa Disyembre 15 hanggang Enero 14, 2024.

Ang mga naunang naiproseso na ng LTFRB na special permit ay papalawigin din nila ang validity ng mga ito.

Una ng dinagdagan ng LTFRB ang bilang ng mga buses na binigyan nila ng special permits tuwing special holiday.