-- Advertisements --

Itinanggi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga alegasyon sa kanilang ahensya tungkol sa pagtaas ng bilang ng mga motorcycle taxi na nag ooperate sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa tala ng ahensya sa nakalipas na tatlong taon nasa 45,000 parin ang bilang ng mga motorcycle taxi na nag-ooperate sa NCR.

Nilinaw ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III ang pahayag matapos magreklamo umano ang transport group dahil hindi na umano makontrol ang pagdami ng motorcycle taxi na siya namang nakakaapekto sa pang araw-araw na kita ng mga ito.

Nilinaw ng ahensya na ang naging alegasyon umano ay hindi totoo dahil tanging sa Central Luzon at Region IV lamang umano nagtaas ng bilang ng mga motorcycle taxi na aabot sa 4,000 ang nadagdag.

Ang nasabing alegasyon ay mula sa grupo ng Technical Working Group (TWG) kung saan iniulat nito sa kongreso ang pagtaas ng bilang ng mga motorcycle taxi na siyang naging dahilan upang makapagpasa ng bill ang kamara.

Ayon sa House Bill 10571 o ‘the motorcycle taxi bill’ nilalayon nitong makapag bigay ng ligtas na pampublikong sasakyan para sa mga Pilipino kung saan lilimitahan ng nasabing bill ang paggamit ng motorcycle bilang pangunahing sasakyang pampubliko.

Giit naman ni Guadiz ang mga ganitong akusasyon aniya ay walang basehan dahil ‘wala umanong naipasang report ang TWG na nagsasabi na totoo ang mga paratang nito kung kaya’t maari umanong bumaba ang bilang ng mga naghahanap buhay kung sakaling matuloy ang pagsasabatas sa naturang bill.