-- Advertisements --
Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na taasan ang bilang ng mga pasahero sa mga EDSA carousel buses.
Ang nasabing hakbang ay para mabawasan ang pagdami ng pila sa mga busway.
Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na kapag nadagdagan na ang bilang ng mga pasahero na maisasakay sa libreng sakay sa EDSA busway.
Nakipag-ugnayan na rin ang LTFRB na pandemic task force para sa nasabing pagdagdag ng mga pasahero.
Sa kasalukuyan ay nasa 400 na buses ang nag-o-operate sa EDSA busway pero hindi nito makayanan ang 182,000 na pasahero.
Magugunitang tumaas ang bilang ng mga pasahero mula ng luwagan ng gobyerno ang community quarantine sa National Capital Region kung saan maraming negosyo na ang nagbukas.