-- Advertisements --

LA UNION – Suportado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o (LTFRB) Regional Office One, ang kahilingan ng mga transport groups na fare hike sa mga pampublikong sasakyan lalong lalo na ang mga pampasaherong dyip sa buong rehiyon uno.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay LTFRB Region I Director Nasrudin Talipasan, sinabi nito na pabor siya sa hinihiling na fare hike sa mga drivers at operators sa mga pampasaherong sasakyan, bilang tulong sa kanilang kabuhayan at makasabay na rin sila sa cost of living.

Kabilang sa mga dahilan kung bakit napapanahon na rin na aprubahan ang kahilingan na fare hike ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, spare parts ng mga sasakyan, petrolyo, serbisyo, at iba pa.

Kung maalala, noon pang nakaraang taon na isinumite ng mga transport groups ang petisyon na fare hike.

Posible ani Talipasan na aprubahan ang petisyon ngayong taon, ang P2.00 fare hike sa buong bansa.