-- Advertisements --
Ilalabas sa susunod na linggo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang desisyon sa petisyon ng mga transport group na taas pasahe.
Sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, maaring sa Martes sa susunod na linggo ay maglalabas ang LTFRB Board ng kanilang desisyon.
Magugunitang nitong Huwebes ay nagsagawa ang LTFRB ng pagdinig sa mga petisyon ng taas pasahe ng ilang transport group.
Humihingi umano ang mga transport group ng mula P1 hanggang P5 na taas pasahe dahil sa patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga gasolina sa bansa.