-- Advertisements --

Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pangtanggap ng applications para sa special permit sa mga Public Utility Buses para sa nalalapit na National Election.

Ayon sa LTFRB na ang pagtanggap ng application ay mula Abril 14 hanggang 25, 2025.

Habang ang duration ng special permit ay mula Mayo 9 hanggang 18, 2025.

Ilan sa mga kondisyon ay 30 percent lamang ng kabuuang otorisadong unit kada operator sa mga ruta ang papayagan.

Ang mga unit ay hindi dapat mahigit 14 taon na ang kalumaan ng sasakyan at mahalaga na mayroong nakalagay ang eksaktong lokasyon ng terminals sa mga ruta.

Ang nasabing aplikasyon ay pag-aaralang mabuti ng kanlang board bago ito tuluyang aprubahan.