-- Advertisements --

Sinuspendi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30 araw ang bus company na nasangkot sa aksidente sa North Luzon Expressway (NLEX) nitong Lunes.

Sa dalawang pahinang kautusan ng ahensiya sa may-ari ng bus company na si Wilson Hong Sy, na lahat ng anim na bus nito ay kanilang sinuspendi ng operasyon ng 30 araw.

Nakasaad kasi sa imbestigasyon nila na ang biglang nag-swerve ang bus mula sa lane 4 patungo sa lane 3.

Dahil sa aksidente ay nadamay ang isang truck at isang van.

Inaatasan din nila ang may-ari na isurender nito ang “For Hire Plates nito dahil kanila agad itong iimpound kapag nakitang nag-ooperate pa rin.