-- Advertisements --

Sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigpit na paghuli sa mga pampasaherong jeepney na hindi nakapag-consolidate sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Maituturing na kasi ng LTFRB na colorum ang nasabing mga jeepney matapos na bigo silang makapag-consolidate sa deadline noong Abril 30. Isasabay ng LTFRB ang paghuli sa ikinasang tatlong araw na tigil pasada ng mga pampasaherong sasakyan simula Hunyo 10-12.

Sinabi naman ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz na magkikita sila sa kalsada at dapat tiyakin nila na mayroon silang prankisa.

Base sa datus ng LTFRB na sa National Capital Region ay mayroong 30,561 sa 49,593 ang nakapag-consolidate na at sa buong bansa ay mayroong mahigit 81 percent ng mga pampasaherong sasakyan ang sang-ayon sa PUVMP.