Sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pagtanggap ng mga aplikasyon ng special permits sa mga Public Utility Buses (PUB) sa nalalapit na Holy Week.
Ayon sa LTFRB magsisimula ang paghahain mula Pebrero 24 hanggang Marso 7, 2025.
Habang epektibo ang nasabing special permit mula Abril 13 hanggang 26, 2025.
Pagpapaalala nila na tanging 30 percents lamang ng mga otorisadong unit kada operator sa isang rota ang kanilang papayagan.
Ang mga units ay hindi dapat mahigit 14 na taon na ang tanda ng sasakyan.
Nakasaad din dapat ang mga address ng mga terminals at ang ruta na kanilang inaplayan.
Ilan sa mga itinakdang requirements ay dapat mayroong kasalukuyang LTO OR/CR, valid Personal Passenger Accident Insurance at Board Resolution at Certificate of authorized signantory important.