-- Advertisements --

Target ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling maimplementa ang Service Contracting Program sa buwan ng Abril.

Ang naturang programa ay isang inisyatibo ng Department of Transportation na mabigyan ang mga pbulic utility vehicle drivers at operators ng performance based incentives kada linggo.

Umaasa si LTFRB Regional Director Zona Russet Tamayo na maibigay na rin ang pondong nakalaan para sa naturang programa para masimulan na ito sa lalong madaling panahon.

Kabilang din sa naturang programa ang Libreng Sakay Program kung saan libreng makakasakay ang mga commuters.

Aniya, inaantay na lamanh ng LTFRB ang paglalabas ng pondo na mgmumula sa Department of Budget nd Management (DBM).

Umaasa ang ahenisya na mas maraming mga PUV drivers at operators ang makikilahok sa naturang programa lalo na mas mataas din aniya ang pondong ibinigay dito para ngayong taon.