-- Advertisements --

Tiniyak ngayon ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi nila ng mga fuel subsidy sa mga operators ng pampasadang sasakyan.

Sinabi ni LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III, na makakatanggap ang mga operators ng one-time na P10,000 na fuel vouchers.

Ang nasabing hakbang ay bilang tulong sa mga operators ng pampasaherong sasakyan dahil sa panibagong taas presyo ng mga produktong langis.

Magugunitang nitong araw ng Martes ng magpatupad ng taas presyo ng produktong petrolyo ng halos tatlong piso sa kada litro.

Pangunahing dahilan na itinuturo ng Department of Energy (DOE) ang lumalalang tensiyon sa Gitnang Silangan.