-- Advertisements --
Kumpiyansa ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na mas lalong darami pa ang bilang ng mga jeepney operators ang magpapa-consolidate.
Kasunod ito sa pagbubukas muli nila ng Public Transport Modernization Program (PTMP).
Sinabi ni LTFRB chair Atty. Teofilo Guadiz III, na mayroon ng mahigit 160,000 na mga jeepney operators ang nagpa-consolidate.
Paglilinaw nito na ang nasabing programa ay hindi inaatasan ang mga operators na bumili ng mga bagong mga jeepney.
Inaasahan nila mayroon pang dagdag ang magpapa-consolidate sa mga susunod na araw hanggang sa Nobyembre 29.
Hindi naman nito matiyak kung magkakaroon pa mula ng extension sa nasabing pagpapa-consolidate.