-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Pansamatala munang nakasarado ang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) region 10 matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang mga empleyado nito.

Martes, Marso 16 hindi na tumanggap ng transaksyon ang LTO hanggang nitong araw.

Agad naman inilagay sa isolation unit ang mga pasyente at nagsagawa ng disinfection sa buong opisina.

Nakatakda na ring bumalik sa normal ang operasyon ng LTO simula lunes Marso 22 sa kasalukuyang taon.