-- Advertisements --

Pumirma ng kasunduhan ang Land Transportation Office (LTO) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para pormal na partnership sa drivers education sa bansa at magbigay pa ng mas maraming libreng pagsasanay sa mga drivers.

Ayons a LTO na ang memorandum of agreement na pinirmahan ay para matiyak ang pare-parehong standard ng driving schools at ang pagkakaroon ng murang training courses para sa mga kapakanan ng mga drivers sa bansa.

Pinangunahan ni LTO Chief Edgar Galvante at TESDA Director General Secretary Isidro Lapena ang pirmahan ng kasunduan.

Sinabi ni Galvante na ito na ang sagot sa mga hiling ng publiko na naghahanap ng de-kalidad at murang training program para sa mga drivers.