Binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng motovlogger na nakaligtas sa viral na Superman stunt sa Marilaque Road, Tanay, Rizal.
Ayon Kay LTO Chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II, ibinase ang desisyon sa isinagawang imbestigasyon kung saan napatunayang liable si Rico Akmad Buyawan sa reckless driving at guilty sa administrative case of improper person to operate a motor vehicle.
Nagbunsod naman ito sa desisyon na i-revoke ang kaniyang driver’s license.
Nauna ng pinatawag ng LTO si Buyawank para ipaliwanag ang kaniyang panig bilang parte ng due process.
Matatandaan, ang naturang ‘Superman stunt’ ay nagresulta sa pagkasawi ng kasamahan ni Buyawan na motovlogger din na si John Louie Arguelles habang anim na iba pa na namamahinga lang sa gilid ng kalsada ang nasugatan sa pagsimplang ng motor ng biktima.