-- Advertisements --

Ipinagutos ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza ang pagsasagawa ng conduct refresher sa lahat ng agency enforcers sa buong bansa kasunod ng naging viral na insidente sa Panglao, Bohol na kinasasangkutan ng isang magsasaka at ilang mga LTO enforcers.

Sa isang pahayag, ipinaliwnag ni Mendoza na ang insidente ay isang panawagan para sa isang malalim at sistematikong approach para matiyak na hindi na mauulit ang pangyayari sa iba pang mga motorista.

Ilulunsad ngayon ni Mendoza ang isang mandatory retraining program para sa lahat ng enforcers para matiyak na hindi na hindi na mauulit ang gaya ng naging pangyayari.

Ang naturang retraining ay sesentro sa mga kursong human rights at proper procedures in enforcing road safety regulations.

Samantala, nauna na dito ay iniutos na rin ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang immediate preventive suspension sa limang LTo enforcers na sangkot sa insidente.

Mananatili umanong suspindido ang mga enforcers hanggat hindi pa natatapos ang partial investigation sa isyu.