-- Advertisements --

Tiniyak ni Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza na makatatanggap ng tulong ang isang traffic enforcer na nahagip ng isang sasakyan habang ito ay naka duty.

Nangyari ang naturang insidente sa San Fernando City, La Union noong Pebrero 15, 2024.

Personal naman na binisita ni Mendoza ang Law Enforcement Officer na si Jay Joseph Rillorta sa pagamutan .

Ayon sa opisyal, ito ay nasa maayos nang kalagayan ilang araw matapos itong ipasok sa Intensive Care Unit.

Ang biktima ay kabilang sa mga tauhan ng LTO Region 1 na nagsasagawa ng anti-colorum operation sa naturang lungsod ng ito ay masagi ng isang sasakyan.

Kabilang sa ipinangako ni Mendoza ay financial assistance at suporta hanggang sa tuluyan na itong gumaling at makapag trabahong muli.

Naglabas naman ng Show Cause Order ang LTO laban sa nakarehistrong may-ari ng sasakyan na sangkot sa insidente at upang ito ay

Kaugnay nito, inisyuhan na ng Show Cause Order ng LTO ang registered owner ng nakabanggang sasakyan para magpaliwanag.