BUTUAN CITY – Patuloy ngayong nagpapagamot sa Butuan Medical Center (BMC) ang isang Land Transportation Office o LTO-Caraga Regional law enforcer matapos mabundol habang patawid sa national Highway ng P-4, Brgy. Sumilihon, nitong lungsod ng Butuan dakong alas-4:40 ng madaling araw.
Nakilala ang biktima na si Rene Osenar Cenangote, 49-anyos, residente ng Purok 8, Brgy. Ambago, nitong lungsod.
Ayon sa imbestigasyon, nagsagawa ng roadside inspection operation ang mga LTO regional law enforcers at nang patawid na sa daan ang biktima ay nabundol ito sa kulay itim na Toyota Land Cruiser SUV na minamaneho ng negosyanteng si Wenifredo Dagani Andrade Jr., 34-anyos, residente ng Jabonga, Agusan del Norte.
Napag-alamang patungod sana ang driver sa Brgy. Ampayon nitong lungsod mula sa Cabadbaran City, Agusan del Norte ngunit hindi na natuloy dahil sa nasabing insidente.