-- Advertisements --

Maliban sa pangunahing direktiba na tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero ngayong Semana Santa, nabigyan din ang mga enforcers ng Land Transportation Office (LTO) ng special instruction na bantayan at imonitor ang mga reckless driver sa kabuuan ng Mahal na Araw.

Ibinaba ni LTO chief Vigor Mendoza II ang naturang direktiba kasunod ng pag-mobilize ng naturang opisina sa kabuuang 1,700 enforcer sa buong bansa upang magbantay sa mga lansangan.

Bahagi ng special instruction sa mga LTO enforcer ay ang pag-dokumento sa mga reclkless drivers sa kabuuan ng long weekend.

Una na ring ipinag-utos ni Transportation Secretary Vince Dizon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board at LTO na magsagawa ng iba’t-ibang mga measure upang mapigilan ang mga reckless driver at habulin ang mga magtatangkang gumawa nito.

Bumuo na rin ang LTO ng mga bagong mekanismo upang mapalakas ang accountability ng mga errant driver.

Giit ni LTO Chief Mendoza, ang driver’s license ay hindi isang karapatan, bagkus ito ay isang pribiliheyo.