-- Advertisements --

Hinikayat ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko na isumbong sa kanilang opisina ang mga sasakyan na iligal na gumagamit ng mga siren o wang-wang ganun din ang mga blinkers.

Dahil sa paglulunsad ng hotline na 0929-292-0865 ay naniniwala ang LTO na maraming mga mamamayan ang magrereport sa mga iligal na gumagamit ng wang-wang.

Una ng pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang administrative order na nagbabawal sa mga government officials at personnel na gumamit ng mga wang-wang a blinkers.

Makikipag ugnayan naman ang Department of Transportation sa iba’t-ibang ahensiya para mapabilis ang pagrereport sa mga sasakyang iligal na gumagamit ng mga wang-wang at blinkers.