-- Advertisements --

Hinimok ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na laging magsuot ng seatbelt habang nasa loob ng sasakyan, lalo na sa gitna ng dagsa ng mga tao ngayong holiday season.

Inihayag ni LTO-National Capital Region director Roque Versoza na magmamasid ang ahensya sa mga motoristang hindi nakasuot ng seatbelts.

Dagdag pa nu Versoza na mayroon ng kabuuang 1,179 na motorista ang nahuli dahil sa hindi pagsusuot ng seatbelts sa pinaigting na operasyon ngayong magpapasko.

Kabuuang 3,524 ang nahuli ng LTO-NCR sa isang buwan mula noong Nobyembre, na karamihan ay dahil sa hindi pagsusuot ng seatbelts.

Mayroon ding 600 na motorista ang nahuli dahil sa walang suot na helmet habang 480 naman ang nahuli dahil sa pagmamaneho ng mga hindi rehistradong sasakyan.