-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- ‘Huli pero di kulong’, ito ang naging eksena sa ikinasang Region-wide operation ng Land Transportation Office o LTO-XII.

Sa halip kasi na violation ticket ang ibigay sa mga lumabag sa batas trapiko ay mga bulaklak, alcohol at facemasks ang natanggap ng mga motorista.

Bukod pa rito, namigay rin ang LTO XII ng mga Information, Education and Communication o IEC Materials hinggil sa batas trapiko upang maituro kung paano maging responsableng motorista.

Ayon sa ahensiya, regular na nila itong ginagawa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng nalalapit na Araw ng mga Puso o Valentines Day.

Sa bayan ng Midsayap, kakaunti lamang ang nabigyan ng Valentines gift dahil sa takot ng mga motorista makaraang matunugan na may nakaabang na LTO-XII Officers sa bahagi ng Covid-19 outpost sa National Highway, Poblacion 8, Midsayap, Cotabato.

Samantala, nagpapasalamat naman ang ilang mga nahuli dahil hindi sila nabigyan ng anumang violation.