-- Advertisements --

Naglunsad na ang imbestigasyon ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang district heads dito sa Metro Manila dahil sa kuwestyonableng registration ng trucks na nasangkot sa madugong aksidente sa lungsod ng Paranaque City.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, na nagbunsod ang nasabing imbestigasyon matapos ang nangyaring aksidente noong Disyembre 6 sa Barangay Sun Valley, Paranaque na ikinasawi ng isang katao at ikinasugat ng limang iba pa.

Dagdag pa nito na nais lamang nilang makakuha ng kasagutan bilang isang uri ng command responsibility sa nangyaring aksidente.

Pagtitiyak naman ng LTO Chief na kanilang papanagutin ang sinumang mayroong pagkukulang sa nasabing aksidente.