-- Advertisements --

Nagsagawa ng inspeksyon ang Land Transportation Office (LTO) sa 260-ektaryang impounding area sa Tarlac City.

Pinangunahan ni LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II kasama si Executive Director Atty. Greg G. Pua Jr ang inspeksyon na matatagpuan sa Barangay Balete.

Ang nasabing lugar ay siyang gagawing bagong impounding area sa mga nahuhuli sa mga lumalabag sa batas.

Sa ngayon ay minamadali ng LTO ang pagsasaayos sa lugar para ito ay agad na magamit para maging maluwag na ang impounding area sa mga iba’t-ibang LTO offices sa bansa.