Ipatutupad na ng Land Transportation Office ang implementasyon ng ‘No Plate, No Travel’ Policy na pinaiiral sa mga tricycle sa Quezon City ngayong araw, Hulyo 1, 2024.
Ang nasabing polisiya ay batay sa Republic Act no. 4136, Section 18 o ang “Use of Number Plates” na nagtatakda ng tamang paggamit ng plaka.
Ipinatupad ito ng ahensya kasunod ng pagresolba nila sa backlog ng halos 3,000 plaka para sa tricycle drivers noong nakaraang buwan.
Ayon kay LTO Chief Asec Atty. Vigor Mendoza II, sa ilalim ng patakarang ito, ang mga tricycle na walang plaka ngunit ginagamit bilang pampublikong transportasyon ay ituturing daw nilang kolorum o iligal na nag o-operate.
Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng LTO sa Department of Transportation para sa pagpa-plano nila ng implementasyon ‘No Plate, No Travel Policy, sa buong bansa.