-- Advertisements --
LTO

Magbibigay ng libreng theoretical driving course ang LTO para sa mga pre-registered student driver applicant sa darating na Mayo 11 at 12 sa buong bansa bilang hakbang sa pagsusulong ng kaligtasan sa mga nagmamaneho maging sa lansangan.

Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade, magbibigay ito ng oportunidad sa mga tao na walang kakayahang magbayad ng para sa theoretical driving course.

Dagdag pa niya, alam raw ng kanilang ahensya ang sitwasyon ng mga Pilipino kaya naman ilulunsad nila itong programa.

Bagamat limitado umano ang ma aaccommodate nito, nais parin umano nilang makatulong na mas dumami ang mayroong sapat na kaalaman sa pagmamaneho upang maiwasan na rin ang mga aksidente sa kalsada.

Ito ay kasabay ng pagdaraog ng ahensya ng kanilang ika-111 na anibersaryo.

Pagkatapos raw nito, ay magkakaroon na ng regular o buwanang libreng theoretical driving course sa bawat tanggapan ng LTO nang sa gayon ay mahubog ang kanilang kakayahan sa pagmamaneho.

Binigyang diin ni Chief Tugade na mas mabuting makipag transaksyon sa mismong opisina ng LTO at hindi sa mga fixers.

Aniya, itong libreng theoretical driving course rin daw ay makatutulong upang masugpo ang mga fixers sa bansa.