-- Advertisements --

Tiniyak ng Land Transportation Office na humahanap sila ng solusyon sa problema sa kakulangan sa plastic cards para sa driver’s license.

Ayon Assistant Secretary Vigor Mendoza II chief ng LTO, may iba pa silang paraan para makakuha ng suplay ng plastic cards.

Isa na rito umano ang pagbili sa ibang ahensya ng gobyerno.

Saad pa ng opisyal na minamadali na rin ng mga abogado ng Office of Solicitor General na magkaroon na ng resolusyon ang Quezon City Regional Trial Court kaugnay sa ipinalabas nitong Writ of Preliminary Injunction sa suplay ng driver’s license cards.